Biyernes, Nobyembre 29, 2013

Bakit nga ba "masabaw" ang utak?

November 30, 2013. 2:31 P.M...

   Makulimlim na hapon. Nakakubli ang araw sa likod ng makakapal na ulap. Malamig ang simoy ng hangin dahil sa malapit na ang araw ng kapaskuhan. Isang normal na araw lang para sa karamihan. At tulad ng mga nagdaang araw, nandito na naman ako sa kwarto, nakahilata at nasa harap ng laptop. Di ko alam kung bakit ko naisipang gumawa ng isang blog at di ko alam kung bakit nagpapatuloy pa rin ako sa pagtype ng mga bagay na lumalabas sa sabaw kong utak.

Sabaw na utak?...

   Ano nga ba ang sabaw na utak? isang tagalog slang term na ang ibig sabihin ay nawalan(o wala talaga)ng laman ang utak. In other words, this term pertains to a person who is stupid or dumb. Kaya ayun, wag mo nang itanong ang kung ano ulit meaning nun at wag mo na ring itanong kung bakit sabaw ang ginamit na salita para sa term na yun dahil di ko alam. Di ko rin mapagtanto kung bakit "Masabaw na utak" yung napagtripan kung title sa blog na ito. Dahil sa puro sabaw din ba ang laman kukote ko? Kung magmamatyag ka nang maigi paligid mo, marami kang masasabihan ng utak sabaw. Yung traffic enforcer na mali mali sa pagbigay ng violations, yung classmate mo na walang alam na gawin kundi ang lumandi pero pagdating sa exam nganga, yung fans ng Chicser, yung trying hard magpost ng English quotes sa Facebook, yung mga kupal na politiko pati na rin ang gobyerno natin pa puro kashitan ang inaatupag plus yung mga bumoto sa kanila. Madami pa kong gustong sabihin. Pero tinatamad na ko. Mabuhay sa unang post ko sa blog na ito.

(Kung umabot ka sa parteng ito ng post ko at kasalukuyang binabasa ang kung ano mang nakasulat dito, ikaw ang pinakamaswerteng reader. Congrats dahil ililibre kita ng sabaw. Anong gusto mo, sabaw ng bulalo o sabaw ng sinigang na baboy?)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento